Office Ambiance

Monday, June 9, 2008

Dahil sa pgiging sensitibo ng mga kuro-kurong aking ilalahad ay itago na lang natin ang mga katauhan ng mga bida.


Ate One: Uy, Ate Two, anjan na si Ateng Lunch sa labas, bili na tayo.
Ate Two: (Parang nahihipnotismong susunod kay Ate One at sasabayan ito sa pagbili ng pagkain)

-- after 15 minutes --

Ate One: Tara kain na tayo.
Ate Two: Cge.
(Parang asong bubuntotulit kay Ate One)

-- after 1 hour lunch break --

Ate One: Ate Two nag-coffee ka na?
Ate Two: Tara coffee tayo. (pero minsan nama'y nakukuha nyang tumanggi)

--pagsapit ng 3pm--

Ate One: Nagugutom na ko. Anjan na ata si Ateng Meryenda sa labas. Tara bili tayo.
Ate Two: (wala nanamang imik na susunod)

minsan ay may manaka-nakang imbitasyon si Ate One ng side trip sa CR...

Ate One: Naiihi ako sinong gustong sumama?

-- After 30 mins break at 1 hour na tsismisan sa pantry, babalik sa kanilang bay, kunwari magtratrabaho and after 45 mins--

Ate One: Ate Two anong oras ka uuwi?
Ate Two: (mag-iisip...magsasalita ng biglang)
Ate One: Tara uwi na tayo ng 7.



At habang umaalingawngaw sa ere ang mala-musika nilang boses (ehem!) sila'y sinasabayan pa ni Ate Three na ang mala-King Kong na tawa ay parang hinugot yata sa ilalim ng banga at nonstop (as in nonstop) kung magkuwento.

Minsan tuloy naisip ko, kailangan ba talgang ipaalam sa madlang bayan na ihing ihi ka na? (take the case of Ate One) at ang ikuwento ang samu't saring episode ng Koreanovela in her "ang-ganda-ganda-ko-at-ng-boses-ko-mode" YAK!

How's that for an office ambiance?

0 comments: