Kasabay ng pagbalik ng mga bagets sa eskwela eh naisipan kong magbalik aral sa mga samu't-saring bokabularyo, geography, history and current affairs lessons na natutunan ko (at nakapagpagulo sa isip ko) courtesy of our "trusty" and "reliable sources" from the neighboring cubicles.
Subject One: Vocabulary
Teacher: Ms. Pakituwid-dila
serts -
paghahanap ng isang bagay
"Ang hirap naman nung take home assignment ko, mai-SERTS nga sa Google."
Berney -
ang purple dinosaur na mahilig kumanta ng "I love you,you love me, we're a happy family..." at sikat na sikat sa mga munting tsikiting.
"Bakla ba si BERNEY?" (halaw sa tunay na usapan)
Ka-eyds:
ka+ english term for edad (age)
"KA-EYDS lang pala natin siya noh?"
Musimo:
brand ng damit
"Yung kuya ko, lahat halos ng t-shirt nya MUSIMO."
JAY ZAY:
sikat na hip-hop artist
"Di ba si JAY ZAY yung boyfriend ni Beyonce?"
bistprind:
matalik na kaibigan
"Sinong BISPRIND mo doon?"
SOKA:
a.) ung nilalabas ng katwan mo pag sobrang lasing o naglilihi o di maganda ang pakiramdam mo.
b.) yung sawsawang maasim na partner ng toyo.
"Paborito kong magsawsaw sa SOKA'T toyo."
ITEKITA:
hindi po ito salitang Hapon. Ito yung maliit na papel kung saan nakasulat yung presyo.
"Ang ganda sana nung dress kaso nung tignan ko yung ITEKITA nalula ako sa presyo."
SOBRANG ATATZ:
nagmamadali (with z para maging plural at ma-stress ang sobrang pagmamadali)
"Bakit parang lahat kayo SOBRANG ATATZ ng umuwi?"
*Paalala: Ang mga sumusunod na salita ay di angkop sa mga batang mambabasa...
DIKWAT:
kuhanin ng walang paalam.
"Yung kapitbahay namin nalugi yung tindahan, pano ang hilig manDIKWAT nung mga anak ng paninda."
DAVID C*CK:
(huling salita ay patungkol sa _____ ni junior)
"Si DAVID C*CK ang nanalo sa nakaraang American Idol Season 7."
Subject Two: Geography/History and Current Events
Teacher: Ms. Balikmokosaelem and Ms. Basatayophilgeo
Kung ang iyong kapatid, pamangkin, pinsan, anak ng kapitbahay, anak ng pinsan ng kapitbahay mo, anak ng kaibigan ng mommy ng nanay mo eh may gurong ganito, maaring simulan mo na silang payuhan na ilipat ng eskwelahan ang kanilang mga tsiking.
Ms. Balikmokosaelem:
Ms. Balikmokosaelem:"Sa sobrang ganda nung mga pinapakitang lugar sa mga Chinovelang napapanood ko, gusto ko na tuloy pumunta sa CHINA, The Land of the Rising Sun."
Ms. Basatayophilgeo: Talaga. Naks! Sama mo ko ha.
Note:
Japan: Land of the Rising Sun
China: Red Dragon
Ms. Basatayophilgeo
Ms. Basatayophilgeo: "Nabalitaan mo na ba? Dinukot si Ces Drilon."
Ms. Balikmokosaelem: "Ha?Kelan? Bakit?"
Ms. Basatayophilgeo: Eh kasi pumuta sya sa Sulu nung weekend, me iinterviewhin sya dapat na mataas na chever, tapos ayun, hindi na makontak, dinukot na ng ARMM."
Note:
*Ang ARMM o Autonomous Region in Muslim Mindanao ay isang rehiyon sa Pilipinas na binubuo ng Basilan, Lanao del Sur, Maguindanao, Shariff Kabunsuan, Sulu and Tawi-Tawi at Marawi.
**Ayon sa balita, si Ces Drilon pati na ang crew nito ay hinarang ng isang grupo ng armadong kalalakihan na di umano'y miyembro ng Abu Sayyaf habang ang una ay nasa assignment nito sa Sulu.
Balik Eskwela
Thursday, June 12, 2008
Posted by chizim-moi at 5:15 PM
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
1 comments:
naku ateng! sana mabasa nila yang comments mo at ng matuto...ok yang mga notes na nilagay mo...hehehe...good job! keep it up!
Post a Comment