5 reasons why you do not have the right to perform incubus songs in public:
5. you look like you bathe in and smell of grease
4. the only people that support you in pulling this stunt are the reluctant people in your band and your i-feel-like-a-rockstar's-girl girlfriend
3. you hop around the stage in the middle of your song like a homeless teenager playing i-just-sniffed-rugby at luneta
2. you absolutely cannot do justice to a mere half-note, and in your head as you shriek the lyrics away, the sudden image of brandon boyd choking on his coffee enters your mind.
1. people ask you to stop singing in the middle of your first song when you prepared TWO.
Please spare your unfortunate would-be audience.
incu-Botched it
Friday, December 19, 2008
Posted by blogging virgin at 4:30 PM 0 comments
halloween palengke
Thursday, October 30, 2008
sadyang kakaiba nga naman ang opisinang ito. PALENGKE MORE THAN EVER. hindi na sapat ang araw araw na pagdadakdakan ng mga taong flexi-time dito.kelangan pang magkalat ng lagim dahil lamang sa pagsalubong sa halloween, na sa pilipinas naman eh araw lang ng mga patay. And to think Thursday pa lang, hindi pa bisperas ng undas.
Hindi kayo nakakatuwang tingnan, mga taong aswang sa araw na ito. Hindi nakakainggit ang halakhak nyo, na sa buong katotohanan lang ay nakakaISTORBO sa mga seryosong nagtatrabaho dito. Hindi nakakahiya na pumunta ng pantry dahil nagsasaya kayo, KAYO ang dapat mahiya sa amin. halinga kayo at bibigyan ko kayo ng tunay na TRICK OR TREAT diretso sa mga bunganga nyo.
talaga nga namang walang pakundangan ang mga animal dito, na hindi man lang iniisip na hindi lang sila ang tao sa palapag na ito.
bakit hindi na lang ngayon idinaos ang fire drill?
Posted by blogging virgin at 3:02 PM 0 comments
Spare Us From Sins
Friday, October 24, 2008
Akala n'yo ntigil na kami...Guess what? We are back...And yes, sila pa rin ang usual suspects! Pambihira!
Hindi masamang humanga, lahat tayo'y me iniidolo na kulang na lang eh di natin padapuan sa lamok. ASAL (Ang Sa Amin Lang) eh hinay-hinay. Hindi lahat ng ginagawa/sinusuot/sinsabi ni IDOL eh babagay sa'yo. Saka sana makuntento na lamang sa pagtakbo ng larawan nya sa iyong isip. Iba ka eh, hindi ka na nakuntento sa mukha nyang desktop wallpaper mo (na itago mo man sa'min eh alam naming hinahalikan mo ng lihim), nagpa-print ka pa ng 3R picture nya na nakapalamuti sa desk mo. Ateng, libreng mangarap, pero dapat marunong ka ring bumalik sa realidad.
Gusto nyo bang mag-aral ng Nihonggo? I suggest na wag kayong tutungtong sa bahaging ito ng siyudad dahil tyak na magiging mas matatas pa kayo magsalita sa mga taal na Hapon. Haluan mo ba naman ng Korean at Mandarin eh, ewan ko na lang kung magkaintindihan kayo.
At ikaw, yes you, ateng bidang-bida sa bangkaan sa gawin likuran. Saan mo ba pina-assemble yang amplifier na nilunok mo? Malamang sa Raon kasi bumabayo eh. Nadaig mo pa ang combined na tugtugan ng Patok** at Hataw.*** Nanunuot pa ring boses mo sa full blast na sounds na dumadaloy sa aming earphones. Tumahan ka naman minsan ate, try mo lang.
At sa kapwa ko mga chismosa, tama ka ate, dapat nga magpasimula na tayo ng research:
"iPods /Walkman phones spare you from sins"
*maniniyut - isang salitang balbal na ang ibig sabihin ay mahilig kumuha ng larawan.
**Patok- makukulay na jeep na may dumadagundong na sounds na gawa ng Morales motors. May rutang mula Stop&Shop hanggang Cubao o kaya Stop&Shop/Marikina
***Hataw- tulad ng mga Patok na jeep, me bumabayo din itong sounds. Blumentritt/Novaliches naman ang byahe nito.
Posted by chizim-moi at 1:13 PM 0 comments
fire drill
Wednesday, October 22, 2008
mabuhay ang malakas na wang-wang ng sirenang hudyat para bumaba ang mga empleyado at makibahagi sa sunog-pagsasanay!!!
lakad mga tribong italiana!!hakbang vst and company!!!ipagpatuloy ang daldalan sa 41 flights ng hagdan fugly and friends!!!!
at ateng JUMBO-hala mula sa HRD, pasensha, ngunit hindi ka bukod tanging exempted sa drill na ito. Hindi man namin magagamit ang reason mong "hahapuin sa pagbaba ng hagdan," eh may mas nararapat naman kaming rason para manatili dito dahil....special ang project namin.
Pinagpala ang mga anak ni Homer!
Posted by blogging virgin at 4:14 PM 1 comments
One Rainy Afternoon
Thursday, July 31, 2008
The heavy rain a few hours ago left me and my office fellas imagining things, which we could have been doing instead of searching and writing news. *sigh*
How'd you like to:
~Read a good book while enjoying a cup of steaming hot drink
~Snug in the couch with *insert name here* while watching some feel-good flick.
~Eat champorado with tuyo while watching national geographic specials
~Tuck under covers (with whom?) and...sleep *wink*
~Be stuck in waiting shed with *insert name here* (SFX: Basang-basa sa Ulan)
~ Sit by the windowsill and have a long and engaging conversation with *insert name here*
All together now: awwwwww...
Posted by chizim-moi at 5:18 PM 0 comments
"Wet and Dry Market"
Wednesday, July 16, 2008
I dunno with you guys, pero dito lang ako naka-encounter ng office na nagtratransform into a "palengke" pag nagsabay-sabay ng mag rant ang mga big mouth from the left and back... goodness!
I previously worked in the "hello-hello" industry, and I thought maingay na sila. Well, they do talk to explain things nonstop and they also have their share of senseless noise during AVAIL moments but not like these people. Like, HELLO, madaming bang tumatawad sa paninda nyo at ganyan kayo kaiingay?
People, there is such a thing as "being considerate"
If you can't keep your mouth shut, then shoo...go somewhere else and blab till you drop. Or better yet, paki bitbit ang "etiquette" dahil hindi yan parang slippers na iniiwan sa front door. Remember, we are in an office and we are all "professionals" here so please act your age.
Posted by chizim-moi at 5:48 PM 0 comments
afternoon daily habit
Thursday, July 10, 2008
ang afternoon daily habit...nope hindi po ito yung 3 o'clock na daily habit na naririnig nyo sa telebisyon...sa radyo...na prayer...NO NO NO!eto ang maririnig nyo>> I KISSED A GIRL...yan yang p*ny#t%n7 kanta na yan!na nakakarindi na actually!salamat ha...araw araw nalang parang timer courtesy of your friendly neighborhood italiana...NEWS FLASH>> hindi dahil sikat ang kanta pauli ulit mong papatugtugin!nauupod din yan okey??parang ginawa sa LOW...yan!alrighty??
Posted by ethan hawke at 5:43 PM 2 comments