sadyang kakaiba nga naman ang opisinang ito. PALENGKE MORE THAN EVER. hindi na sapat ang araw araw na pagdadakdakan ng mga taong flexi-time dito.kelangan pang magkalat ng lagim dahil lamang sa pagsalubong sa halloween, na sa pilipinas naman eh araw lang ng mga patay. And to think Thursday pa lang, hindi pa bisperas ng undas.
Hindi kayo nakakatuwang tingnan, mga taong aswang sa araw na ito. Hindi nakakainggit ang halakhak nyo, na sa buong katotohanan lang ay nakakaISTORBO sa mga seryosong nagtatrabaho dito. Hindi nakakahiya na pumunta ng pantry dahil nagsasaya kayo, KAYO ang dapat mahiya sa amin. halinga kayo at bibigyan ko kayo ng tunay na TRICK OR TREAT diretso sa mga bunganga nyo.
talaga nga namang walang pakundangan ang mga animal dito, na hindi man lang iniisip na hindi lang sila ang tao sa palapag na ito.
bakit hindi na lang ngayon idinaos ang fire drill?
halloween palengke
Thursday, October 30, 2008
Posted by blogging virgin at 3:02 PM 0 comments
Spare Us From Sins
Friday, October 24, 2008
Habang kasalukuyang tinitiis ni Tatang Homer ang lamig kina Uncle Sam at ang bangis ng babaeng maniniyut* ay lilibangin ko muna kayo ng mga kwento na tiyak ikaka-init ng ulo ninyo.
Akala n'yo ntigil na kami...Guess what? We are back...And yes, sila pa rin ang usual suspects! Pambihira!
Hindi masamang humanga, lahat tayo'y me iniidolo na kulang na lang eh di natin padapuan sa lamok. ASAL (Ang Sa Amin Lang) eh hinay-hinay. Hindi lahat ng ginagawa/sinusuot/sinsabi ni IDOL eh babagay sa'yo. Saka sana makuntento na lamang sa pagtakbo ng larawan nya sa iyong isip. Iba ka eh, hindi ka na nakuntento sa mukha nyang desktop wallpaper mo (na itago mo man sa'min eh alam naming hinahalikan mo ng lihim), nagpa-print ka pa ng 3R picture nya na nakapalamuti sa desk mo. Ateng, libreng mangarap, pero dapat marunong ka ring bumalik sa realidad.
Gusto nyo bang mag-aral ng Nihonggo? I suggest na wag kayong tutungtong sa bahaging ito ng siyudad dahil tyak na magiging mas matatas pa kayo magsalita sa mga taal na Hapon. Haluan mo ba naman ng Korean at Mandarin eh, ewan ko na lang kung magkaintindihan kayo.
At ikaw, yes you, ateng bidang-bida sa bangkaan sa gawin likuran. Saan mo ba pina-assemble yang amplifier na nilunok mo? Malamang sa Raon kasi bumabayo eh. Nadaig mo pa ang combined na tugtugan ng Patok** at Hataw.*** Nanunuot pa ring boses mo sa full blast na sounds na dumadaloy sa aming earphones. Tumahan ka naman minsan ate, try mo lang.

At sa kapwa ko mga chismosa, tama ka ate, dapat nga magpasimula na tayo ng research:
"iPods /Walkman phones spare you from sins"
*maniniyut - isang salitang balbal na ang ibig sabihin ay mahilig kumuha ng larawan.
**Patok- makukulay na jeep na may dumadagundong na sounds na gawa ng Morales motors. May rutang mula Stop&Shop hanggang Cubao o kaya Stop&Shop/Marikina
***Hataw- tulad ng mga Patok na jeep, me bumabayo din itong sounds. Blumentritt/Novaliches naman ang byahe nito.
Posted by chizim-moi at 1:13 PM 0 comments
fire drill
Wednesday, October 22, 2008
mabuhay ang malakas na wang-wang ng sirenang hudyat para bumaba ang mga empleyado at makibahagi sa sunog-pagsasanay!!!
lakad mga tribong italiana!!hakbang vst and company!!!ipagpatuloy ang daldalan sa 41 flights ng hagdan fugly and friends!!!!
at ateng JUMBO-hala mula sa HRD, pasensha, ngunit hindi ka bukod tanging exempted sa drill na ito. Hindi man namin magagamit ang reason mong "hahapuin sa pagbaba ng hagdan," eh may mas nararapat naman kaming rason para manatili dito dahil....special ang project namin.
Pinagpala ang mga anak ni Homer!
Posted by blogging virgin at 4:14 PM 1 comments
Subscribe to:
Posts (Atom)